054 - Ito'y Sanlibutan ng Ama

Ito'y sanlibutan ng Ama kong mahal;
Ang buong katalagahan ay nag-aawitan.
Mga punong-kahoy, langit, karagatan
Pati malalaking bato'y gawa ng Kanyang kamay.

Ito'y sanlibutan ng Ama kong mahal;
Ibon, liryo at liwanag, Diyos ang itinatanghal.
Sa mga damuhan siya'y nagdaraan;
Siya'y nakikipag-usap sa akin saan man.

Ito'y sanlibutan ng Ama kong mahal;
Ang masama'y malakas man, Diyos ang haring tunay.
Bakit itong puso ko ay malulumbay?
Panginoo'y nagpupuno; matuwa sang kalupaan.

0:00 0:00